Transcript of interview in Dos Por Dos with Anthony Taberna and Gerry Baja With Sen. Manny Villar
Q: Dito ho sa latest SWS survey, umakyat siya ng 8-percentage points.
Villar: Ako naman ay natutuwa dyan, bagaman alam natin na malayo pa ang eleksyon. Syempre kapag nagugustuhan ka naman ng mga mamamayan, sa mga inilalahad kong mga opinyon, ikaw ay natutuwa. Bagama’t malayo pa ang halalan at marami pang mangyayari, mahalaga na mas makilala kami ng ating mga kababayan at mas malaman nila ang ating mga ipinaglalaban at ang aming mga nagawa noong nakaraang taon at ang aming mga ginagawa sa ngayon. Naniniwala naman ako na sa darating na panahon, iyan ay magiging mas maliwanag at mas magugustuhan tayo ng ating mga kababayan.
The Chatbox RSS Feed