Transcript of interview in DZXL with Ely Saludar with Senator Manny Villar
Q. Base po sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations o SWS, kayo po ay patuloy na umaangat ang inyong marka at lumalapit, bagamat nangunguna pa din si Sen. Noynoy. Ano po ang masasabi nyo dito at ano po ang pangunahin dahilan na ginawa nyo senator?
Villar: Unang-una malayo pa ang eleksyon, pero ako ay natutuwa kapag nagugustuhan ng mamamayan ang mga nilalahad ko na opinion tungkol sa paglutas sa mga problema ng bayan partikular na yung sa mahihirap nating kababayan at ipagpapatuloy ko ang pagtulong sa abot ng aking makakaya dun sa mga hindi masuwerte sa buhay kahit pa ano ang resulta ng survey kahit pa lampas na ang eleksyon, tuloy-tuloy nating gagawin yan at palagay ko yan ang nagugustuhan ng ating kababayan, yung ating nakaraan at patuloy na pagtulong sa mga mahihirap.
The Chatbox RSS Feed